Sunday, March 23, 2014

Job opportunities buksan sa walang trabaho

NANANAWAGAN ang isang Obispo ng Simbahang Katoliko sa pamahalaan na pagkalooban ng mas maraming job opportunities ang walang hanapbuhay, partikular na ang fresh college graduates.


Ayon kay San Jose Bishop Roberto Mallari, libu-libong college students ang nagsisipagtapos taun-taon ngunit marami sa kanila ang nananatiling jobless.


Ngayon aniyang taon na marami na naman ang ga-graduate na mag-aaral a tiyak na madaragdagan na naman ang mga unemployed o walang hanapbuhay sa bansa.


Kaugnay nito, binatikos ng obispo ang kawalan ng job opportunities kaya’t maraming college graduates ang kumukuha ng hanapbuhay na hindi angkop sa kanilang tinapos.


Idinagdag pa ng obispo na ang pagtatapos sa kolehiyo ay malaking karangalan kaya’t karapat-dapat lamang na mabigyan sila ng mahusay na graduation gift, tulad ng disenteng trabaho.


Tinatayang aabot sa 700,000 estudyante ang ga-graduate ngayong taon at dadagdag sa may 39.41 milyong labor force, kabilang ang 2.96 milyong jobless.


The post Job opportunities buksan sa walang trabaho appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Job opportunities buksan sa walang trabaho


1 comment:

  1. try this site if your still searching online jobs ...
    BUILD YOUR CAREER ONLINE WHILE BEING A FREEMAN
    Start working at home and visit us at http://www.unemployedpinoys.com
    Pls email me ry_med2977@yahoo.com

    ReplyDelete