SUPORTADO ng Simbahang Katoliko sa pangunguna ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang Earth Hour 2014.
Gaganapin ito sa Sabado, Marso 29, simula alas-8:30 ng gabi hanggang 9:30 ng gabi.
Inanyayahan na rin ng Kardinal ang publiko na makibahagi sa sabayang pagpatay ng mga ilaw at mga de-kuryenteng kagamitan bilang pakikiisa sa Earth Hour.
Pahayag ng kardinal, nangangailangan din ng pag-aayuno maging ang ating kalikasan at ngayong panahon ng Kuwaresma, maaari itong isagawa sa pamamagitan ng pakikibahagi sa naturang aktibidad.
Maging ang bagong kardinal ng Mindanao na si Cotabato Archbishop Orlando Quevedo ay nagpahayag ng pagsuporta sa taunang Earth Hour. Importante aniya itong obligasyon ng sangkatauhan.
Hindi naman tiyak ni Archdiocese of Zamboanga Administrator Monsignor Cris Manongas kung kailangan pa nilang magpatay ng ilaw kasabay ng Earth Hour dahil patuloy nilang nararanasan ang rotating brownout sa Zamboanga at mas matagal pa sa isang oras.
The post Earth Hour 2014, suportado ng Simbahang Katoliko appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment