Saturday, March 1, 2014

Dahil sa seksing si Marian, Anne naging tibo!

IBANG klase ang photo shoot na ginawa ni Marian Rivera for FHM kung saan siya ang bagong pabalat sa March 2014 isyu nito at para sa kanilang 14th anniversary.


Marami ang naglaway sa Reyna ng Kapuso. Kitang-kita naman kasi kung gaano siya kaganda at kaseksi.


Maging ang mga Kapamilyang sina Kathryn Bernardo, Jodi Sta. Maria at Anne Curtis ay humanga kay Marian. “She’s so perfect!” ani Kathryn sa litratong ipinost ng syota ni Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account mula sa mga litratong kuha nito sa nasabing men’s magazine. “Nakaloloka yong body mo, Gandrooooouz!” ayon naman kay Anne na tila naglaway sa sobrang paghanga sa taga-Kapuso kahit pa kalaban niya ito sa bentahan ng babasahin dahil sabay silang pabalat magazine. Siya ang ipinantapat ng Metro Magazine sa FHM para sa buwan din ng Marso. Sino kaya ang mas tatangkilikin sa kanila? Nakabibilib naman ang pagaalagang ginagawa ni Marian sa kanyang katawan. Dapat tularan siya ng ilang artista na pabaya sa kanilang sarili. Ikaw ba ‘yan Angelica Panganiban? Hehehe!


Anyway, nagpapasalamat si Ms. Rivera sa papuring natanggap niya mula sa mga artista sa kabilang istasyon.


“Thankful ako na naa-appreciate nila ang picture ko. Si Kathryn naman, kakilala ko naman dahil dati, siya yung gumanap na batang Marian sa Endless Love. Si Anne naman, very good friend ko naman siya.


“Kahit hindi kami madalas na nakakapag-bonding, alam kong kaibigan ko si Anne.’Tapos si Jodi, siyempre nagpapasalamat ako kasi, yun nga, naa-appreciate nila yung picture ko.


“Si Jodi kasi, hindi pa kami nagkakakilala, pero parang pareho yata kami ng make-up artist minsan, si Krist Bansuelo—siya yung make-up artist ko sa shoot.


“Thank you, ‘di ba, nakatutuwa lang na kahit Kapamilya sila, Kapuso ako, alam namin na trabaho lang ang lahat ng ito.”


ABS-CBN CHAIRMAN GABBY LOPEZ, SINABON ANG KANYANG MGA REPORTER


BAGAMA’T humingi na ng paumanhin ang Bandila partikular ang mga news anchor and reporters sa panic na idinulot ng balita nila tungkol sa misteryosong sakit na kumakain umano sa balat ng tao sa probinsya ng Pangasinan, hindi pa rin daw napigilan ni ABS-CBN Chairman Gabby Lopez na sabunin ang kanyang mga mamamahayag at paalalahanan ang mga ito sa resposibilidad na nakaatang sa kanilang mga balikat bilang mga natagapagbalita.


Pinuntahan daw ni Chairman ang newsroom at ni-reprimand ang team na nasa likod ng naturang report. Kaugnay nito, si Ging Reyes, Vice President for News and Current Affairs ay inutusan ang ilang reporters, desk editors at executive producers na mag-undergo muli ng training sa news reporting.


Si Jasmine Romero raw ang nag-ulat nito kaya nasa balag ito nang alanganin habang nag-iimbestiga ang Ombudsman ng ABS.


‘Yan si Sir Gabby, hands on pa rin sa kanyang mga nasasakupan. Sinisiguro nitong nasa tama at maayos ang pagseserbisyo nila sa bayan.


RELASYON NINA ANGEL AT ECHO NAGKAKALAMAT NA


AYON kay Angel, natutuwa sila sa mainit na pagtanggap ng buong sambayan sa kanilang programa at tinitiyak niyang mas kaabang-abang ang mga susunod na linggo ng “The Legal Wife” lalo na’t nagkakalapit na ang asawa ni Monica (Angel) na si Adrian (Jericho) sa kanyang kaibigang si Nicole (Maja Salvador).


“Narito kami para magbigay ng isang napakagandang kuwento na alam kong lahat tayo ay makaka-relate dahil lahat tayo ay nagmahal na at nasaktan. Ang ipapakita lang namin sa show ay ‘yung mga totoong nangyayari sa atin, bahala na tayong mamili kung alin ba doon ang tama at alin ang mali,” ani Angel.


Well, paano tatanggapin ni Monica na ang kaisa-isang lalaking minahal niya ay nagtataksil sa kanya? Ano ang magtutulak kay Adrian para pumasok sa isang espesyal na pagkakaibigan kay Nicole?


Bahagi rin ng cast ng “The Legal Wife” ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa larangan ng drama kabilang sina JC de Vera, Joem Bascon, Ahron Villena, Rio Locsin, Mark Gil at Christopher de Leon. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao.


***


For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!


The post Dahil sa seksing si Marian, Anne naging tibo! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Dahil sa seksing si Marian, Anne naging tibo!


No comments:

Post a Comment