DAHIL sa patuloy na paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, muling nagpatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo mamayang hatinggabi.
Alas-12:01 ng hatinggabi mamaya ay pangungunahan ng Petron Corporation at Pilipinas Shell ang pagtatapyas ng P0.45 kada litro sa presyo ng gasolina at P0.10 naman sa kerosene habang tumaas naman ang presyo ng kanilang diesel ng P0.10 kada litro.
Napag-alaman kina Ina Soriano ng Pilipinas Shell at Raffy Ladesma ng Petron Strategic Communications Manager sa pamamagitan ng kanilang ipinadalang text message, isinagawa ang pagpapatupad ng dagdag-bawas sa mga presyo sa produktong petrolyo makaraang ibase nila ito sa patuloy na paggalaw ng presyo ng langis sa world market.
Inaasahan naman ang pagsunod ng ilan pang malalaking kompanya ng langis ng dagdag-bawas sa kanilang mga produktong petrolyo habang wala pang anunsyo ang mga ito.
Matatandaang huling nagpatupad ng pagtapyas ng mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis noong Marso 18 ng P0.30 kada litro sa gasoline, P0.65 sa diesel at P0.70 naman kada litro sa kerosene.
The post Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo bukas appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment