ANG Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng Bureau ng Fisheries at Aquatic Resources (BFAR) ay namahagi ng iba’t ibang mga gamit sa pangingisda na nagkakahalaga ng P4.24 milyon sa mga mangingisda ng Zambales nang bumisita si Agriculture Secretary J. Alcala noong ika-21 ng Pebrero, 2014.
Si Alcala, na bumisita sa lalawigan sa pangatlong beses bilang Kalihim ng DA, ay nagpahayag ng kanyang suporta sa lokal na industriya ng pangingisda at naghikayat din sa lokal na pamahalaan at mga lider ng magsasaka na palakasin pa ang koordinasyon upang mapabuti ang kanilang mga ikinabubuhay sa lokalidad.
Ang mga gamit sa pangingisda ay ipinamahagi upang makatulong sa mga maliliit na mangingisda sa lalawigan kabilang na ang mga marine engines, tuna handlines, seaweed farm implements, deep-sea payaos, life vests, gillnets (lambat) at smokehouse.
Namahagi rin ng iba’t ibang farm at fishing gears kabilang na ang kalabaw na may gamit pang-araro, life vests, marine engines, certified seeds, handlines at hand tractors.
Hinikayat din ni Alcala ang mga nagsipagdalo na makiisa sa DA at BFAR sa pagtataguyod ng maayos na pangingisda. Sinabi niya na ang pakikipagtulungan ng mga mangingisda at mga pinuno ay mahalaga upang patuloy na maiangat ang industriya ng palaisadaan sa bansa.
Bukod sa pagpapakita ng suporta sa industriya ng pangingisda, sinigurado rin ni Alcala na mabibigyang-tulong ng DA ang mga magsasaka na mas mapabuti ang produksyon ng bigas at pag-aani ng mangga sa Zambales. Hinikayat niya ang lahat na makipagtulungan sa gobyerno at sa mga ahensya ng agrikultura upang mapalawak pa ang taniman ng palay at taniman ng mangga sa lalawigan.
Upang makatulong sa pagpaparami ng industriya ng mangga, nangako rin si Alcala na mamamahagi ng 30,000 na buto ng mangga at 20,000 na buto naman ng sampalok na itatanim sa lalawigan ng Zambales.
The post DA-BFAR NAMAHAGI NG IBA’T IBANG MGA GAMIT SA MGA ZAMBALENON FISHERMEN appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment