Wednesday, March 26, 2014

Cedric Lee kinasuhan ng BIR

HINAHABOL na rin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kontrobersyal na negosyanteng si Cedric Lee na isa sa mga bumugbog sa television host na si Vhong Navarro.


Kaninang umaga, isinampa na ng BIR ang kasong tax evasion laban sa kumpanya ni Lee na Izumo Contractors.


“We’re running after Izumo for a total income tax deficiency of P194.7 million, inclusive of surcharge and interest,” pahayag ni BIR Commissioner Kim Henares sa isang press conference.


Natuklasan ni Henares na may P302.63 milyon worth contracts ang nasabing kumpanya sa ilang lungsod at provincial governments mula 2006 hanggang 2009, pero ang idineklara lamang ni Lee ay P76.22 milyon.


Nahaharap sina Lee at Denice Cornejo ng patong-patong na kaso dahil sa pambubugbog, pamba-black mail, illegal detention at iba pa kay Navarro noong nakaraang Enero.


The post Cedric Lee kinasuhan ng BIR appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Cedric Lee kinasuhan ng BIR


No comments:

Post a Comment