IPINAHAYAG ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na ang tagumpay ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) ay dahil sa magandang hangarin at pagpili sa kabutihan.
Hindi aniya biro ang pinagdaanan ng peace process sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) pero dahil sa tiwala sa isa’t-isa ay tagumpay itong naisulong.
Ayon sa Pangulong Aquino, patunay dito ang kanyang ginawang pakikipagkita noon kay MILF chairman Al Haj Murad Ibrahim sa Japan para ipakitang sinsero ang kanyang gobyerno sa peace process.
Sa kabila raw ito ng mga kritiko kung saan marami ang nagtangkang sirain pa ang kanyang integridad bagama’t hindi siya nagpatinag.
Marami aniya ang nagpalutang na binibigyan niya ng bentahe ang MILF sa negosasyon dahil hindi nila nakita noon ang kanyang hangaring maging patas at malinaw ang pag-uusap.
Ang nasabing lagdaan ay nagtala ng kasaysayan.
Eksaktong alas-5:32 kaninang hapon, Marso 27, nang ganap na napirmahan nina GPH chief negotiator Miriam Coronel-Ferrer at MILF chief negotiator Mohagher Iqbal ang kasunduan.
Saksi sa makasaysayang okasyon sina Pangulong Noynoy Aquino, Malaysian Prime Minister Najib Razak, Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Quintos Deles, MILF Chairman Al Hadj Murad Ebrahim, mga foreign dignitaries, government officials at iba pang naging bahagi sa pagbuo ng CAB.
Nakapaloob sa kasunduan ang Framework Agreement on the Bangsamoro na unang napirmahan noong Oktubre 2012 at apat na annexes kabilang ang transitional arrangements and modalities, wealth sharing, power-sharing at normalization kasama ang addendum sa Bangsamoro waters.
Pasok din sa CAB ang Ceasefire Agreement noong 1997, Tripoli Agreement noong 2001 at iba pa.
The post CAB nagtagumpay dahil sa tiwala appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment