KASUNOD nang pagkawala ng kuryente na naranasan sa maraming lugar sa Mindanao nitong Huwebes, nagpahayag ng paniniwala ang isang Catholic priest na magsusunud-sunod na ang pagkakaroon ng blackout at power interruption sa Mindanao.
Ayon kay Rev. Fr. Emerson Luego, Social Action Center director ng Diocese of Tagum, labis silang nagtataka kung bakit matagal bago natukoy ng Department of Energy (DOE) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang sanhi ng blackout.
Naniniwala rin ang pari na may iba pang dahil sa naganap na blackout.
“Kami dito sa Tagum, minsan nagugulat kami bakit may mga time na ganon na minsan dito 6 hours or 4 hours naranasan namin last year nagulat kami noon na bakit ganito may mga time na they can supply 24 hours pero may mga time din at that time lalo na after noong typhoon Pablo na ilan buwan bago nare-energize yung ibang area so baka may mga underlying reasons na naman to bakit ganito baka papasok na naman yung mga bago nilang gustong mangyari na naman dito sa Mindanao.”pahayag ni Luego.
Inamin din ng pari na malaki ang perwisyong idinudulot ng malawakang blackout lalo na’t patuloy pa sila sa pagsasagawa ng rehabilitation effort para sa mga naapektuhan ng kalamidad gaya ng Bagyong Pablo at Bagyong Agathon.
The post Blackout sa Mindanao inaasahang masusundan pa appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment