SARROSA International Hotel & Residential Suites, ang laging dinarayo ng mga local tourist lalo na ng mga foreign tourist na pumapasyal sa Cebu City. Dahil sa magagandang katangian, malinis at kaakit-akit na tirahan, tunay namang kapansin-pansin sa award-giving bodies, upang ang naturang hotel ay mabigyan ng karangalan.
Madarama ng mga turistang ito, ang walang kapares na paglilingkod ng mga empleyado ng hotel, at dahil na rin sa walang kahalintulad nilang dedikasyon na paglingkuran ang mga costumer na nagtutungo sa Sarrosa International Hotel & Residential Suites sa F. Cabahug Street, Ayala Access Road, Kasambagan, Barangay Mabolo, Cebu City.
Karapat-dapat lamang na gawaran ang Sarrosa International Hotel & Residential Suites ng pagkilala matapos na ito ay makatugon at matanggap ang mga criteria at qualification na base sa consumer survey at market research, na pinangasiwaan ng National Data Research Examiner & Marketing Service, Inc.
Napili ang Sarrosa International Hotel & Residential Suites bilang Best Hotel & Residential Suites (Visayas Awards) ng Golden Globe Annual Awards “For Business Excellence 2014.”
Napagtibay ng magkatuwang na pamamahala ng Golden Globe Awards Council, National Data Research & Marketing Services, Inc., Philippine Best Companies.Com, Inc., SINAG News Magazine, at SINAG Foundation, Inc.
Si Jefferson A. Tan ang tumanggap ng pagkilala at karangalan ng Golden Globe Annual Awards for Business Excellence awarding ceremonies noong March 22, 2014, Sabado ng gabi, sa Centennial A, Grand Ballroom, Manila Hotel,
Taos puso kong binabati ang pamilya ni Jacinto T. Tan at ang kanyang mga staff ng SARROSA HOTEL AND RESIDENTIAL SUITES sa inyong tagumpay bilang Best Hotel & Residential Suites (Visayas Awards) ng Golden Globe Annual Awards “For Business Excellence 2014.”
The post BEST HOTEL FOR BUSINESS EXCELLENCE 2014 ANG IGINAWAD SA CEBU SARROSA HOTEL appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment