MAY isang listener sa aming Star na Star program sa DWIZ 882khz ang nagparating sa amin ng kuwento tungkol sa isang pinatrabahong condo unit ng mag-inang Carina at Bea Binene sa Malabanan na hanggang ngayon ay hindi pa raw binabayaran. Nagrereklamo na raw ang interior decorator na nagpaganda sa tirahan ng Kapuso teenstar dahil hindi siya umano binabayaran ng halagang 500 thousand pesos gayong mag-iisang taon na raw itong tapos. Katakot-takot na discount na nga raw ang kinaltas sa naturang halaga para lamang mabayaran ng dalaga pero until now mukhang wala raw planong magbayad ito.
Totoo ba ito Bea at Mommy Carina? Paki-text lang sa amin ang inyong sagot.
***
DANIEL PADILLA, HANDA NANG MAKIPAG-RAKRAKAN
PINAKA-ASTIG na birthday celebration ang handog ng Teen King ng Philippine showbiz at multiplatinum-selling recording artist ng Star Records na si Daniel Padilla sa lahat ng manonood ng kanyang pangalawang major concert na pinamagatang “DOS: The Daniel Padilla Birthday Concert at the Big Dome.”
Matapos ang kanyang sold-out “Daniel Live!” debut concert noong nakaraan taon, patok na “DJP” sophomore album, at dahil na rin sa matinding public demand, magbabalik si Daniel sa Smart Araneta Coliseum sa Abril 30 (Miyerkules) para sa isang gabing puno ng rakrakan at kasiyahan—tatak DJP! Kakantahin ni Daniel ang mga bago at lumang old school rock songs na malapit sa puso niya gaya ng “One Way or Another” ng Blondie, “Something” ng The Beatles, at “You Really Got Me” ng Van Halen.
Makikipag-jamming kay Daniel sa kanyang “DOS” concert ang OPM rock icon na si Rico Blanco, actor-singer na si Khalil Ramos, ang banda niyang Parking 5, at The Reo Brothers, ang bandang binubuo ng apat na magkakapatid na lumikas mula sa Tacloban matapos salantain ng super typhoon Yolanda.
May espesyal ring production number si Daniel, na ipagdiriwang ang ika-19 na kaarawan sa Abril 26, kasama ang Teen Queen na si Kathryn Bernardo at iba pang surprise guests.
Sa ilalim ng produksyon ng ABS-CBN Integrated Events at Star Event, ang tickets para sa “DOS” concert ay nagkakahalaga ng P3,710 (moshpit); P3,180 (VIP); P2,970 (Patron A); P1,275 (Patron B); P745 (lower box); P530 (upper box); at P265 (general admission).
Mabibili na ang tickets sa opisina ng Smart Araneta Coliseum at sa Ticketnet outlets sa buong bansa. Maaari ring tumawag sa Ticketnet hotline na 9115555 o mag-log on sa ticketnet.com.ph.
***
DENIECE CORNEJO GUSTONG GAMITIN ANG TV5, BUTATA!
MARCH 21 nang mag-post si Deniece Cornejo sa kanyang Instagram account na onlyrealdeniece ng isang photo kasama ang ilang empleyado ng TV5 at sa ibaba nito ay may caption na, “Thanks TV5 for visiting and supporting me. Let’s support womens rights!”
Pagkalipas nang ilang araw ay sinagot siya ng Kapatid network. “TV5 Management wishes to clarify that the posting of Deniece Cornejo on her Instagram account last March 21 does not reflect the Network’s position on her legal situation. TV5 adheres to fair and honest reporting and remains neutral on matters that are being decided by the courts. TV5’s research team requested for an off-camera interview with Ms. Cornejo to substantiate/verify a statement made by her grandmother, Florencia Cornejo, who was a guest in the program, FACE THE PEOPLE. The show’s topic delved on the stigma of being a Cornejo and the apparent discrimination that their family is experiencing from the general public.
***
For comment, suggestion & news feed, text me at #09234703506/#09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 1:30-2:30 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Bea Binene hindi binayaran ng 500k ang interior decorator appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment