Sunday, March 2, 2014

BAYARAN ANG HINDI PA NABABAYARANG KONTRIBUSYON…SSS

_lily reyes PARA daw makatiyak ang mga miyembro ng Social Security System (SSS) sa kanilang monthly premium ay kailangan nilang bayaran ang hindi pa nila nababayarang buwanang kontribusyon.


Pinayuhan ng SSS ang mga self-employed at voluntary members, pati na rin ang mga overseas Filipino workers (OFWs), na bayaran ang hindi pa nababayarang kontribusyon upang makatiyak sa kanilang monthly premiums sa January 2014.


Ang mga underpayment ay bunga ng monthly contributions na binayaran ng maaga base sa lumang SSS contribution rate nA 10.4 percent at maximum monthly salary credit (MSC) na P15,000.


Matatandaan na simula noong buwan ng Enero 2014 ay nagdagdag na ng contribution rate na 0.6 percent hanggang 11 percent, habang ang maximum MSC ay P16,000 sa kasalukuyan .


Maging ang mga apektadong kasapi na nauna nang nagbayad bunsod ng naunang deklarasyon ng bagong SSS Contribution Schedule – na mga self-employed at voluntary members na hindi batid ang pagbago sa halaga ng contributions na epektibo ngayong taon ay kasama rin ditto.


Ang mga self-employed at voluntary members na nagbayad na ng kanilang minimum MSC na P1,000 ay may underpayment na P6.00 kada buwan.


Ang mga apektadong OFW-members naman na nagbayad ng kanilang kontribusyon base sa kanilang minimum MSC na P5,000, ay magbabayad ng halagang P30.00 na underpayment.


Maaaring magtungo o magbayad ng kanilang mga underpayments ang mga apektadong SSS members sa lahat ng SSS branches na may tellering facilities kung saan ay bukas ito mula araw ng Lunes hanggang Sabado.


Maging sa mga accredited na mga local banks ay puwede ring mag bayad ang mga apektadong SSS members gamit ang SSS Form RS-5.


Ang mga apektado naman na self-employed, voluntary at OFW members na magbabayad ng higit o sobra sa minimum MSC ay mamimili sa pagbayad ng kaukulang dagdag sa kontribusyon.


Ito ay upang hindi malagay ang kanilang babayaran sa katulad ng MSC, dili kaya ay ilalagay sa applicable lower MSC.


“We advise members to settle their underpayments and put their contribution records in order as early as now to avoid issues arising from ‘out-of-bracket’ payments,” ayon sa SSS.

.

Bukas po ang Lily’s Files para sa inyong mga reklamo, suggestions at komento, mag-text lang po sa 0908-7230036 .


The post BAYARAN ANG HINDI PA NABABAYARANG KONTRIBUSYON…SSS appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



BAYARAN ANG HINDI PA NABABAYARANG KONTRIBUSYON…SSS


No comments:

Post a Comment