DALAWANG bata, isang babae at kanilang family driver ang bagong biktima ng pagdukot sa Jolo, Sulu sa ulat ngayon ng awtoridad.
Ayon sa ulat, alas-7:00 kaninang umaga habang nakasakay sa isang sasakyan ang tatlong biktima na minamaneho ng kanilang family driver na si Saddam Amlih, 24, papunta sa Notre Dame School nang mangyari ang pagdukot.
Kinilala ang mga dinukot na mga anak ng isang Dra. Faranash Jajurie Naim na si Mohammad Zaher Jajurie, 11, Princess Karanain, 8, at si Almalyn Abuhail, 18.
Nabatid na hinarang ang sasakyang ng mga biktima ng nasa limang kalalakihan partikular sa may Scott Road, Baranagy Asturias at puwersahan silang pinasakay sa isang Tamaraw jeep na kulay pula na ginamit na getaway vehicle ng mga suspek.
Tumakas ang sasakyan ng mga suspek papunta sa munisipyo ng Patikul, ang lugar kung saan karamihan dinadala ang mga biktima ng kidnapping sa lalawigan at mula sa iba pang bahagi ng Mindanao.
The post 2 bata, family driver dinukot sa Sulu appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment