Sunday, December 1, 2013

Waste generation, disposal, unahin

Sa adhikaing mabawasan ang 8,600 toneladang basura sa Metro Manila, nanawagan ang isang environmental group sa mga bagong opisyal ng barangay na unahin ang waste generation at disposal programs sa kanilang nasasakupan.


Ayon kay Aileen Lucero, national coordinator ng EcoWaste Coalition, hindi naging sapat ang pagpapatupad ng Republic Act 9003 na nilagdaan noong 2000.



Iminungkahi ng grupo ang pagpatupad ng segregated collection sa biodegradable and non-biodegradable waste, at pagkaroon ng Materials Recovery Facilities (MRFs) sa bawat barangay.


“We call upon all newly-installed barangay captains and councilors to work together in building garbage and toxic-free communities that are healthier and safer for our children to live in,” saad ni Lucero.


Ayon sa National Solid Waste Management Commission (NSWMC) mayroon lamang 9,611 MRFs sa buong bansa na magsisilbi sa 10,529 barangays, habang patuloy ang operasyon ng 993 iligal na dumpsite. – Jun Fabon


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Waste generation, disposal, unahin


No comments:

Post a Comment