Sunday, December 1, 2013

Suarez, out sa SEA Games

Tinanggal ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa listahan ng ipadadalang boksingero sa 27th Myanmar Southeast Asian Games ang premyadong si Charly Suarez.


Ito ay matapos na magkaroon ng problema ang boksingero kung saan ay ilang araw na lamang ay magsisimula na ang torneo na nakatakda sa Disyembre 3 bago pa ang pormal na seremonya ng kompetisyon sa Disyembre 11 hanggang 22.



Sumulat ang ABAP sa binuong POC-PSC SEA Games Task Force upang hilingin ang pagpapalit kay Suarez kung saan ay hindi ito pinayagan ng doktor ng asosasyon dahil hindi pa gaanong gumagaling ang tinamo nitong muscle iinjury sa kaliwang balikat.


Gayunman, napag-alaman ng Balita na si Suarez ay mayroong hold departure order dahil sa kinasasangkutan nitong criminal case sa dati nitong kinakasama at isa pang kaso hinggil sa dalawa nitong anak.


Nabatid pa na humiling ang abogado na makalabas ng bansa ang boksingero subalit nakatakda pa lamang dinggin ang nasabing kahilingan sa korte sa Lunes, na siyang naging dahilan upang ipuwera ng ABAP ang 25-anyos na si Suarez na mula sa Panabo City.


Kung matatandaan, si Suarez ay ipinaglaban ng ABAP upang makasali sa London Olympics. Siya sana ang isa sa inaasahang magbibigay ng inaasam na limang ginto ng ABAP sa 60kg o lightweight division. Si Suarez ay papalitan ni Junel Cantancio, sariwa pa sa pagwawagi ng gintong medalya sa 2013 Philippine National Games.


Una nang ipinasa ng ABAP ang 10-kataong boxing team para magpartisipa sa Myanmar SEA Games. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Suarez, out sa SEA Games


No comments:

Post a Comment