Sunday, December 1, 2013

Radio commentor, patay sa ambush

Inihayag kahapon ng pulisya na blanko pa rin sila sa isinasagawang imbestigasyon sa motibo nang pamamaslang sa isang blocktime radio commentator matapos na tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo sa Valencia City, Bukidnon kamakalawa ng gabi.



Kinilala ng Valencia City Police Office ang biktimang si Joas Dignos ng Cagayan de Oro City.


Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong 9:30 ng gabi sa harap ng isang gusali sa Sayre highway,Valencia City.


Namatay noon din ang biktima dahil sa tadtad ng tama ng bala mula sa hindi pa binanggit na kalibre ng baril na ginamit sa pagpatay ng mga suspek.


Si Dignos ay kilala sa pagiging hard hitting commentator ng DXGT Radyo Abante na nakabase sa bayan ng Maramag, Bukidnon.


Sa ngayon ay blangko pa ang pulisya sa motibo ng pagpatay ng mga suspek sa nasabing biktima. – Fer Taboy


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Radio commentor, patay sa ambush


No comments:

Post a Comment