Ni Ador Saluta
MAY epekto nga kaya sa mga mamamayan ang mga napapanood sa telebisyon?
Sunud-sunod ang pinararangalang most honest personnel sa JAM Liner, ang pinakamarami among local bus companies, kaya nagkakabiruan daw ang management ng bus company na inspired ng Honesto series ng ABS-CBN ang kanilang mga empleyado.
Kamakailan lang, isang Kapamilya news reporter ang nakaiwan ng cellphone at wallet sa loob ng JAM bus nang papunta siya ng Lucena galing Maynila. Ang naturang mga gamit ay agarang naisauli sa kanya.
Bilang pagkilala, inirekomenda ng Padre Garcia, Batangas na isang makasaysayang bayan sa labas ng Lipa City, ang JAM Liner bus conductor na si Archie Magsumbol sa kanyang katapatan at pagiging mabuting mamamayan.
Nagpasa rin ng pormal na resolusyon ang sangguniang bayan ng Padre Garcia para pasalamatan si Mr. Magsumbol at ang JAM Liner.
Ani management, ang katapatan ng kanilang konduktor ay patotoo lamang sa kanilang slogan na ‘jampacked sa serbisyo, jampacked sa saya’.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment