PATAY ang dalawang pasahero makaraang suwagin ng pampasaherong bus ang isang waiting shed sa Brgy. Diamantina, Cabatuan, Isabela.
Sa ulat, sinalpok ng Ballesteros Bus Liner (BW 8594) ang naturang waiting shed kaninang madaling araw na ikinamatay ng dalawang biktima.
Isa sa mga namatay ay ang konduktor na si Ralph Quismundo, ng Cabuluan East, Ballesteros, Cagayan at isang hindi pa nakikilalang babae na tinatayang nasa 30-anyos pataas, nakasuot ng green pants, Tiger colors na t-shirt, jacket na stripe white at pink at hanggang balikat ang haba ng buhok.
Kinilala naman ang mga sugatan na sina Jonesto Tagumati, driver, ang pasaherong sina Rommel Ison, ng Binangonan, Rizal na nagkaroon ng matinding sugat sa kanyang kaliwang bukong-bukong, Ma. Alisa Collado, 25, ng Cagayan.
Sa paunang pagsisiyasat ng PNP Cabatuan, iniwasan ng bus ang isang motorsiklo na minamaneho ng isang Mauro Tagavilla na natanggalan din ng mga daliri sa kamay.
Ang mga sugatan ay dinala sa iba’t ibang pagamutan sa bayan ng Cabatuan at Cauayan City upang lapatan ang matinding sugat sa katawan habang ang mga sugatan tulad ng mga gasgas at bukol sa katawan ay minabuti na lamang nilang umuwi sa kani kanilang mga tahanan.
Kaagad na tumugon ang mga kasapi ng rescue 922 ng pamahalaang lunsod ng Cauayan at rescue 247 ng Cabatuan, Isabela na nagdala sa mga sugatan sa pagamutan .
Ang dalawang namatay ay nanatili pa sa Family Clinic and Hospital sa Cabatuan, Isabela.
Nabatid na ang pampasaherong bus ay galing sa Metro Manila patungong Ballesteros, Cagayan.
The post Waiting shed sinuwag ng bus, 2 pasahero patay appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment