Saturday, December 28, 2013

Pinay na biktima ng pagsabog sa Lebanon ligtas na

LIGTAS na sa tiyak na kamatayan ang Pinay na nasugatan sa naganap na pagsabog sa Lebanan.


Kaugnay nito hindi nagpapabaya ang embahada ng Pilipinas upang masiguro ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Worker sa naturang bansa.


Sa insidente, iniulat na isang napakalakas na pagsabog sa sasakyan ang ikinamatay ni Mohammed Chatah, ang dating finance minister at senior aide ni dating Prime Minister Saad Hariri sa Beirut, ang kabisera ng Lebanon.


Maliban kay Chatah, limang iba pa ang namatay at halos 70 ang sugatan kabilang na ang Pinay na si Loren Capobres.


Ayon kay Romjun Dalisay Plamiano, residente ng Pontevedra, Capiz at nagtatrabaho bilang chef sa nabanggit na lungsod, binisita kaagad ng embahada ang biktima upang kamustahin ang sitwasyon nito matapos dinala sa pagamutan dahil sa nerbiyos at menor na sugat.


Maliban dito, walang-tigil na rin sa pagbibigay ng mga paalala ang embahada sa OFWs.


Sa ngayon, ayon pa kay Plamiano, halos bumalik na ang katahimikan sa lungsod ngunit hindi pa rin pinapayagan ang mga ito na gumala sa mataong lugar kasunod ng ipinapatupad na curfew.


Sa kabila ng kaguluhan, wala pa ring plano si Plamiano at ang mga kasamahang OFWs na umuwi sa Pilipinas.


The post Pinay na biktima ng pagsabog sa Lebanon ligtas na appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pinay na biktima ng pagsabog sa Lebanon ligtas na


No comments:

Post a Comment