TINATAYANG umabot na sa halos 200 ang bilang ng mga naitalang biktima ng paputok at stray bullet, bago ang pagsalubong sa Bagong taon.
Ayon kay Department of Health (DoH) assistant secretary at spokesman Dr. Eric Tayag, umabot na sa 198 ang fireworks related injuries, 192 ang nasugatan ng paputok, isa ang nakalunok ng pulbora, lima ang biktima ng stray bullet.
Pinakamarami sa mga biktima ay dahil sa piccolo na umabot sa 119.
Nababahala si Tayag sa patuloy na pagtaas ng bilang ng napuputukan lalo’t wala pa sila sa peak days nito.
Kung titingnan aniya sa record ng mga nakaraang taon ay Disyembre 31 at Enero 1 ang peak days ng mga naitatalang firecracker injuries, kaya nakakaalarma ang mabilis na pagtaas ng nabibiktima ng paputok sa ganito bago pa ang pagsalubong ng Bagong Taon.
The post Biktima ng paputok at stray bullet nasa 200 na – DoH appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment