Naging matatag ang kapit ng University of Santo Tomas sa pamumuno makaraan ang kanilang 2-0 paggapi sa University of the Philippines (UP) sa pagpapatuloy ng UAAP Season 76 women’s football sa FEU-Diliman pitch.
Nakapagsalpak ng goals si Jennizel Cabalan sa sixth at 27th minute para sa Tigresses na mayroon na ngayong natipon na pitong puntos sa kanilang hawak na 2-0-1 (win-loss-draw) record.
Sa iba pang laban, pinadapa naman ng defending champion Far Eastern University ang De La Salle, 4-0, sa kanilang rematch mula nang huli silang magtagpo noong nakaraang taong finals.
Bunga nito, tumabla ang Lady Tamaraws sa kanilang biktima sa ikalawang puwesto na taglay ang kabuuang tatlong puntos.
Nakaiskor ng goal si Alina Rose Araneta sa 32nd at 60th minute habang nagdagdag naman si Alesa Dolino sa 66th minute para sa Lady Tamaraws. Nanggaling naman ang isa pang goal mula kay Lady Archer Meryll Mae Ledesma na nagpasok ng
isang goal sa 81st minute sa goal ng kalaban. – Marivic Awitan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment