Tuesday, December 3, 2013

Dating PH champ, nagwagi sa Japan

Umakyat ng timbang si dating Philippine lightweight champion Rey Labao upang talunin sa 10-round split decision si Japanese No. 4 light welterweight Daike Koide sa sagupaan kamakalawa ng gabi sa Aioi Hall, Kariya, Aichie, Japan.



Natalo sa puntos kay Yoshitaka Kato noong nakaraang Oktubre sa pagtatangkang angkinin ang OPBF lightweight title kaya kinailangan ni Labao na muling manalo upang magkaroon ng pagkakataon sa OPBF title bout.


Naging agresibo si Labao sa kabuuan ng laban kaya nagtagumpay sa dalawang huradong Hapones sa iskor na 97-94 at 95-94, samantalalng ibinigay ng isang Japanese judge ang panalo kay Koide sa iskor na 97-94.


Sa pagwawagi, napaganda ni Labao ang kanyang kartada sa 25 panalo, 16 sa pamamagitan ng knockouts at 5 talo samantalang bumagsak ang rekord ni Koide sa 25-5-2 (win-loss-draw) na may 15 panalo sa knockouts. – Gilbert EspeƱa


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Dating PH champ, nagwagi sa Japan


No comments:

Post a Comment