NASA bansa na si US Secretary of State John Kerry.
Pasado alas-12:00 ng tanghali kanina nang lumapag ang eroplano ni Kerry sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa kanyang two-day visit sa Pilipinas.
Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Raul Hernandez, inaasahan na magkakaroon ng pagpupulong ang US official kay Pangulong Benigno Aquino III at Secretary of Foreign Affairs Albert del Rosario.
Una nang napaulat na dadalawin din ni Kerry ang mga residente ng Tacloban City para masaksihan ang ginagawang recovery efforts ng US government sa typhoon victims.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa $60-million ang halaga ng tulong na naipaabot ng US government.
Ngayong hapon ay haharap si Kerry sa media para sumagot ng mga tanong.
The post US Sec. of State John Kerry, nasa Pinas na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment