MULING nag-alburoto ang bulkang Taal matapos makapagtala ng tatlong (3) volcanic earthquakes sa paligid nito sa nakalipas na 24-oras kanina, Disyembre 17, 2013.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang pagbaba ng temperatura ng tubig ng bulkan sa lebel na 1.34 metro mula 1.40 metro.
Sinabi pa ng Phivolcs na patuloy na nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Taal.
Pinayuhan din ng Phivolcs ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng publiko malapit sa bulkan dahil sa pagbuga ng usok sa bunganga nito at mataas na konsentrasyon ng toxic gases ng bulkan.
The post Bulkang Taal muling nag-alburoto appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment