BIGO ang bus operators na mapigilan ang umiiral na Integrated Transport System na nagbigay daan para sa pagkakaroon ng Integrated Terminal sa ParaƱaque.
Sa halip na maglabas ng temporary restraining order, inatasan ng Korte Suprema ang ehekutibo na magpaliwanag kaugnay ng petisyong inihain ng bus operators sa pangunguna ni Angeles Bayot na nabigyan ng certificate para mag-operate ng mga pampasaherong bus na may rutang Cavite-Metro Manila.
Sa dalawang pahinang resolusyon, inatasan ng Korte Suprema ang mga respondent na magsumite ng kanilang komento sa loob ng sampung araw.
Iniutos din ng Korte Suprema na ma-consolidate ang petisyong inihain ng grupo ni Bayot sa naunang petisyon kontra sa Integrated Transport System na inihain naman ng mga commuter na sina Paniga Ladera at Dolores Salanga.
Respondents sa nasabing petisyon ang MalacaƱang, DOTC at MMDA.
Matatandaan na inalmahan ng mga apektadong commuter ang pagbubukas ng Southwest Interim Transport Terminal sa Uniwide Coastal Mall noong August 6, 2013 dahil ang mga bus na galing sa Southern Luzon ay kinakailangang huminto doon at hindi na sila pinapayagan pang makausad sa Metro Manila.
Partikular na kinukuwestiyon ng petitioners ang legalidad ng Executive Order No. 67 ni Pangulong Aquino na nagtatakda ng pagpapairal ng Integrated Transport System; Administrative Order No. 40 na nagbigay daan sa pagtatayo ng Interim Transport Terminals at ang memorandum na ipinalabas ng LTFRB na nag-aamyenda sa ruta ng mga provincial buses na galing sa Southern Luzon.
Iginigiit ng mga petitioner na nalabag ng nasabing mga kautusan ang kanilang rights to due process at equal protection na ginagarantiyahan ng Konstitusyon.
The post Bus operators bigo sa Integrated bus terminal appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment