Narito ang karugtong ng ating paksa tungkol sa ilang katanungan na maaari mong pag-isipan tungkol sa kumpanyang iyong pinaglilingkuran, sa iyong mga kasama sa trabaho, at ang iyong plano sa susunod na taon:
- Pinananabikan ko bang makita ang aking mga kasama sa trabaho tuwing umaga? – Gusto mong magtrabaho sa isang partikular na kumpanya dahil sa busilak na reputasyon nito or dahil sa prestihiyoso ito or dahil marami itong benefits. Ngunit kalaunan iyong matatanto na hindi ka pala nagtatrabaho para sa kumpanya kundi gusto mo ang samahan ninyo sa trabaho, mga kasama mo sa departamento or sa cubicle ninyo or sa bangkito at nagtatawanan kayo habang nakabukangkang kayo sa harap ng batya at naglilinis ng mga botelya.
May mga eksperto na nagsasabi na sa itinagal ng panahon, matapat nga ang mga empleado sa kumpanyang kanilang pinaglilingkuran ngunit mas matapat sila sa kasama nila sa trabaho araw-araw. Kung masaya ka sa iyong mga kasama sa trabaho, kaya mo bang bunuin ang isang linggong wala sila? Kung hindi ka masaya sa iyong mga kasama, malamang na may problema ka sa pakikisama. Hudyat na ito para humanap ng grupo na magbibigay sa iyo ng ganang magtrabaho.
- May boses ba ako sa kumpanya? – Pinakikinggan ba nila ako? Binabalewala ba nila ang sinasabi ko? Talagang wala nang nakapagpapasama ng loob at nakawawalang gana kapag naramdaman mong wala kang halaga bilang mangagawa – kahit bahagi ka pa ng isang grupo na mahusay magtrabaho sa isang kumpanyang maayos ang operasyon. Sa panahon ngayon ng partisipasyon at komunikasyon, uhaw ang mga tao sa pagkakaroon ng tinig or pakiramdam na may halaga ang kanilang opinyon.
Kung sa palagay mo hindi na hinihingi ang iyong opinyon or inaalam kung ano ang iyong masasabi sa isang situwasyon, siguro napapanahon na upang maghanap ng kumpanyang handang makinig sa iyong sasabihin.
Sundan bukas.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment