Ni Jimi C. Escala
KASAMA ang mga kapwa ko PTA officers ng Magat Salamat Elementary School, pinanood namin ang Call Center Girl na pinagbibidahan ni Pokwang.
Sa totoo lang, aliw na aliw kami sa pelikulang ito ng Star Cinema. Tawa nang tawa ang mga kasama namin na ang akala yata’y kami lang ang tao sa napakalamig na Cinema 4 ng Chinatown Mall, huh! Bagay na bagay kay Pokwang ang role niya sa pelikula na originally si Sharon Cuneta sana ang gaganap.
Pagkatapos mapanood ay nag-text kami kay Pokwang at binanggit na mabuti’t tinanggap niya ang role kahit na second choice lang siya.
“Alam naman natin kung ano ang nangyari at hindi tinanggap ni Mega ang pelikula. Ako naman, eh, nagandahan sa project, eh, hindi ko na pinakawalan. Saka marami naman tayong napasayang mga tao, di ba?”reply ng sikat na komedyana.
Binanggit din ni Pokwang na may mga nagsabi na maaaring “last card” na raw niya ang Call Center Girl pero sa halip na madismaya ay naging challlenge sa ‘yun sa kanya.
“Sinasabi nilang huling baraha ko na raw ‘yun, kaya itinodo ka na talaga. Keber ko,” sey niya.
Dagdag pa ni Pokwang, marami ang ginawang revision sa script ng Call Center Girl para umakma sa kanya ang role.
“Masayang-masaya naman ako sa resulta ng pelikula namin at siyempre, pasalamat kay Shawie dahil hindi siya natuloy at ako ang kinuha ng Star Cinema, he-he-he!’’ banggit pa niya.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment