Tuesday, December 3, 2013

DTI sa negosyo sa Region 8: Tumupad sa price freeze

Ni Tara Yap


ILOILO CITY, Iloilo – Dapat na tumalima sa umiiral na price freeze ang mga negosyo sa Western Visayas kasunod ng pananalasa ng super bagyong ‘Yolanda’.



Binigyang-diin ni Dominic P. Abad, direktor ng Department of Trade and Industry (DTI)-Western Visayas, ang babalang ito matapos na 13 establisimyento sa dalawang lalawigan sa rehiyon ang natuklasang nagtaas mula sa suggested retail price ng mga pangunahing bilihin, kabilang ang construction materials.


Binigyan ng notice of violation ang 13 establisimyento at inisyuhan ng show cause order para detalyadong maipaliwanag ng mga nasabing negosyo ang kanilang panig.


Sa 13 lumabag sa price freeze, 11 ang nasa Iloilo habang tig-iisa naman sa Aklan at Capiz.


Sinabi ni Abad na pagmumultahin mula P1,000 hanggang P1 milyon ang nasabing 13 establisimyento, depende sa kapital ng mga ito.


Samantala, hinimok ng DTI-Western Visayas ang mga residente sa tatlong iba pang lalawigan sa rehiyon na agad na i-report ang alinmang establisimyento na lumalabag sa price freeze na ipinatutupad ng gobyerno.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



DTI sa negosyo sa Region 8: Tumupad sa price freeze


No comments:

Post a Comment