Saturday, December 28, 2013

Tom Cruise at Keanu Reeves, umurong sa mga bigating remake

DALAWANG Hollywood superstar ang umurong sa remake ng The Magnificent Seven at ng Point Break.


Ayon sa Thewrap.com, hindi na makakasama si Tom Cruise sa remake ng classic Western, ang project na sangkot siya simula pa noong Mayo 2012. Gayunpaman, pinaplano pa rin ng MGM na magawa ang mas modernong bersiyon ng The Magnificent Seven, inilabas noong 1960.



Hiniling ng Hollywood studio kay John Lee Hancock na sumulat ng bagong script. Si Hancock ang nagdirehe kay Sandra Bullock sa The Blind Side, na nagbigay dito ng Academy Award. Ang huling pelikula ng director ay ang Saving Mr. Banks, kasalukuyang ipinapalabas sa US theaters.


Samantala, dumistansiya na rin si Keanu Reeves sa bagong bersiyon naman ng Point Break, ang 1991 film na isa sa mga nagpasikat sa kanya sa buong mundo.


Sa panayam ng BBC, hinahangad ng aktor ang tagumpay ng bagong Point Break, kahit kinumpirma niyang hindi na siya makakasama rito. Si Reeves ay kasalukuyang bida sa 47 Ronin.


Ang bagong Point Break project ay nakatakdang sundan ang original script na may ipapasok na FBI agent sa isang samahan ng bank robbers na tagahanga ng extreme sports.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Tom Cruise at Keanu Reeves, umurong sa mga bigating remake


No comments:

Post a Comment