CHARLOTTE, N.C. (AP) – Iginiit ni Kevin Durant na hindi niya kayang gawin lahat ng mag-isa.
Sinabi ng forward ng Oklahoma City na kakailanganin niya ng tulong upang buhatin ang koponan, lalo na’t mawawala ang kakamping si Russell Westbrook hanggang pagkatapos ng All-Star break matapos sumailalim sa isa pang knee surgery noong Biyernes.
‘’I need Reggie Jackson. I need Serge Ibaka. I need Kendrick Perkins. I’m not afraid to say that,’’ diin ni Durant. ‘’I need to lean on those guys, just like we need to lean on each other. That is what team is about. So through adversity we just have to lean on each other.’’
Ngunit sa pagkakataong ito, sumandal ang Thunder kay Durant, lalo na pagdating sa stretch.
Ibinuhos ni Durant ang 14 sa kanyang 34 puntos sa fourth quarter at nagtapos na may 12 rebounds sa pagkapit ng Thunder upang talunin ang Charlotte Bobcats, 89-85, kahapon.
Inanunsiyo ng koponan bago ang laro na hindi makakapaglaro sa 27 laban si Westbrook.
Nagtala si Ibaka ng 12 puntos at siyam na rebounds at 12 puntos naman ang nagmula kay Thabo Sefolosha, kabilang ang isang pares ng free throws sa huling 3.5 segundo upang selyuhan ang panalo para sa Thunder na nakuha ang ikapitong sunod na panalo at 11 sa 12 pangkalahatan.
‘’Obviously, it was an emotional day with Russell, but I thought we did a good job of handling that,’’ ani coach ng Thunder na si Scott Brooks. ‘’Now we’ve got to work and improve the rest of the season.’’
Pinangunahan ni Kemba Walker ang Bobcats sa kanyang 18 puntos at pitong assists, habang nagdagdag si Al Jefferson ng 16 puntos at 11 rebounds.
Nakakuha ng dalawang clutch 3-pointer si Durant sa huling anim na minuto. Siya ay may 14-of-28 na shooting mula sa field.
Lumamang ang Thunder, 21-20, matapos ang isang quarter, at pagkatapos ay naiskor ang huling 12 puntos sa first half para kunin ang 42- 36 na kalamangan sa halftime. Itinulak ng Thunder ang abante sa 13 sa third quarter bago nagawang makalapit ng Bobcats at putulin ang depisito sa 62-60 papasok sa fourth period.
Resulta ng ibang laro:
Orlando 109, Detroit 92
Brooklyn 104, Milwaukee 93
Toronto 95, NY Knicks 83
Minnesota 120, Washington 98
New Orleans 105, Denver 89
Utah 105, LA Lakers 103
Sacramento 108, Miami 103 (OT)
Golden State 115, Phoenix 86
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment