HAYAGAN nang inamin ng magaling na komedyanteng si Tiya Pusit o Meng Villanueva sa tunay na buhay na ang sikreto ng pagiging bata at sariwa niya ngayon, e, dahil sa so much inlove siya these days sa isang young man who happens to be in his late 20′s. Ayon na rin sa komedyante, lumalakad na rin sa dalawang taon ang relasyon nila nu’ng bagets na nagngangalang Nathan. Sa Facebook lang daw sila nagkakilala at sa tagal nang panahon, waring nahulog na ang loob nila sa isa’t isa kung kaya nagpasya na silang magkita at magkakilala in person.
SA Baclaran church ang ginawa nilang place para mag-eyeball kung saan sabi nga ni Tiya Pusit, lugi siya dahil kilala siya nu’ng bagets gayong siya, e, hindi niya ito napipigurahan. Pero nang magkita sila, agad siyang sinalubong nu’ng bagets at du’n ay nagkayakapan sila. Ipinakilala rin daw nu’ng bagets si Tiya Pusit sa pamilya nito kung saan sa bahay nu’ng bagets pa nagparaos ng Pasko noon ang mahusay na komedyana.
65 years old na si Tiya Pusit at kung tutuusin ay anak na niya, o apo na nga niyang masasabi, ‘yung bagets. Pero hindi raw naging hadlang ang agwat ng kanilang edad sa kanilang pagmamahalan. Bagama’t may mga tumututol sa kanilang pag-iibigan ni Nathan, walang makapipigil sa kanilang pagmamahalan dahil nagpasya na nga si Tiya Pusit na hindi iwan at ipagpatuloy niya ang pagmamahalan nila nu’ng bagets. Sabi nga, walang pinagkaiba ang kanilang love story sa pagmamahalang Freddie Aguilar at 16 years old nitong nobya na kamakailan nga ay pinakasalan na ng globally famous singer.
—————————————–
SI PACMAN SA GOBYERNO..”IT’S THE OTHER WAY AROUND!”
LABIS nga ang pagkadismaya ni Marlene Aguilar na kilalang detractor o lumalaban sa mapang-aping gobyerno sa mamamayang Pinoy, sa ginawa kay Manny Paquiao. “Mga kapatid, kung Si Manny Pacman na naghatid ng karangalan sa ating bansa, dugo, pawis at buhay tinaya para makapagpundar at kumita ng pera para sa pamilya ay GINAGAWAN NANG HINDI MAGANDA, SI NAPOLES NA NAGNAKAW, VIP TREATMENT PA ng gobyerno, paano pa tayong ordinaryong mamamayan? SUGGEST KO IKALAT ANG PANAWAGAN PARA SA PAGBIBITIW NI PNOY, NATIONWIDE, SA PAMILYA, SA MGA KAMAG-ANAK, SA MGA KAIBIGAN, SA MGA KA-OFFICEMATES SA LAHAT NG LUGAR NG PILIPINAS, IKALAT, ‘PNOY RESIGN NOW!’” say ni Marlene Aguilar. “Ang totoo niyan, walang utang si Pacman sa gobyerno kundi it’s the other way around- ang gobyerno ang may utang sa bayan!” dagdag pa ni Marlene Aguilar.
Wala ngang tigil si Marlene sa pagbatikos sa mga tiwali sa gobyerno kung saan sa Facebook fanpage niya ay talagang hayagan niyang ipinaglalaban ang karapatan ng mga Filipino.
The post Tiya Pusit, keber kung 65 years old na at bagets pa ang boyfriend! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment