Sunday, December 1, 2013

Rachelle Ann Go’s biggest break!

PINABALIK pala si Rachelle Ann Go sa London noong first week of November para sa final audition sa role na Gigi para sa Miss Saigon. Hindi na nga raw niya inaasahan na makakasama pa siya dahil one year ago pa nang mag-audition siya rito. Pero hindi pa rin daw siya umasa na mapipili dahil nang bumalik siya ng Pinas ay wala pa ring katiyakan.


Na-comfirm lamang niya na nakapasa siya at napiling Gigi sa Miss Saigon sa tweet sa kanya ni Lea Salonga na unang gumanap na Kim sa Miss Saigon at kay Isay Alvarez na gumanap na bilang Gigi sa West End.


Sobrang saya ni Rachelle na finally natanggap siya bilang si Gigi sa Miss Saigon pero ang ikinatatakot niya ay ang pagsusuot daw ng two piece bikini at napa-”Oh My God!” pa siya na sana raw ay kayanin.


Wala raw siyang choice na gawin at magsuot ng two piece bikini dahil isang bar girl si Gigi sa Miss Saigon na ginawa na rin ni Ms. Lea Salonga noon. Advice raw tuloy sa kanya ni Lea na for the experience ‘yun na puwede niyang ipagmalaki. Hihingi raw siya ng advice kay Isay at umaasa na makausap din niya si Monique Wilson na nakasama rin noon sa Miss Saigon.


Mahihiwalay si Rachelle sa kanyang pamilya ng 14 months. At dahil doon ay mag-isa siya na kailangang matuto magluto ng sariling pagkain at maglaba ng kanyang damit.


Nakatakda siyang umalis ng bansa sa March next year para sa simula ng kanyang rehearsal dahil May ang simula ng kanyang performance bilang Gigi as bar girl.


Ask kung mayroon ba siyang maiiwan na special someone sa kanyang pagkawala ng 14 months sa Pinas?

Wala siyang binanggit na pangalan pero pinagdiinan na dapat daw maghintay ito sa kanyang pagbabalik.


Isa pa sa maghihintay ng pagbabalik ni Rachelle ay ang exclusive contract na pinirmahan niya sa GMA 7.


###

SA ikalawang pambihirang pagkakataon, nag-tie ang GMA 7 at ABS-CBN bilang Best Station sa ginanap na PMPC Star Award for TV kamakalawa na ginanap sa AFP Theater.

Unang nag-tie ang dalawang higanteng network eighteen years ago (1995) sa nasabing kategorya sa Star Award at ngayon lang naulit.


Nag-tie rin sa Best Drama Actor Category sina Richard Yap at Coco Martin, gayundin sa best supporting actor na nag-tie sina Arjo Atayde at Aaron Villaflor.

Tinanghal namang Best Drama Actress si Marian Rivera at Best Supporting Actress naman si KC Concepcion na hindi makapaniwala sa pinalanunang unang acting award.


First time winner din si Nikki Gil na tumanggap ng best single performance by an actress sa pagganap niya sa Ilog episode ng MMK.

First time din nanalo ang cute na batang si Andrea Brillante bilang best child performance sa role niya sa seryeng Annaliza. Madamdamin ang naging speech ng bata dahil paakyat pa lang sa stage ay umiiyak na ito at ibinulgar sa kanyang speech na may nambu-bully raw sa kanya.


Na-conscious tuloy ang mga dumalo lalo na ang press sa sinabi ng bata na may nangbu-bully sa kanya. Umiiyak niyang sinabi: “Thank you rin sa mga nangbu-bully sa akin, sa mga nagsasabing pangit ako, na hindi ako mananalo, na hindi ako sisikat.”


Anyway, mapapanood ang kabuuan ng 27th PMPC Star Award for TV sa December 1, sa ABS-CBN Sunday`s Best.


The post Rachelle Ann Go’s biggest break! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Rachelle Ann Go’s biggest break!


No comments:

Post a Comment