Ni Ador Saluta
BIBIGYAN ng tribute ng The Mega and The Songwriter ng TV5 ang dalawang pinakasikat na music icons ng 80s na sina Gloria Estefan at Patti Austin ngayong Linggo, December 1, 9:00 PM.
Tiyak na kikiligin ang music lovers dahil kakantahin nina Ogie Alcasid at Amber Davis ang mga awiting pinasikat ni Gloria Estefan, ang isa sa best-selling music artists of all time. Sigurado ring makaka-relate ang mga manonood sa mga klasik na awiting pinasikat ni Patti Austin na kakantahin naman nina Sharon Cuneta at Cookie Chua. Bibigyan naman ng modern touch ni Aia de Leon ng Imago kasama ni Megastar at Mr Songwriter and iba pang kantang sumikat noong Dekada 80.
At bukod sa isang gabi na puno ng kantahan, makiki-jam din ang cast ng Tropa Mo Ko Unli kina Sharon at Ogie para magbigay aliw sa Kapatid viewers
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment