ISINAGAWA kamakailan ng National Water Resources Board (NWRB) sa pakikipag-ugnayan ng Office of the Civil Defense-National Capital Region (OCD-NCR), ang isang seminar tungkol sa Disaster Preparedness and Awareness para sa mga kawani na hinati sa dalawang pangkat na may 45 katao na ginanap sa NWRB-VSP Hall, 8/F NIA Bldg., EDSA, Diliman sa Lungsod ng Quezon.
Layunin ng naturang seminar na makapagbigay sa mga kawani ng kaalaman at impormasyon sa mga bagay-bagay na dapat gawin sa oras ng hindi inaasahang pangyayari.
Binigyang-diin ni NWRB Officer-in-Charge (OIC) Executive Director Elenito M. Bagalihog na ang ahensiya ay dapat magsagawa ng fire at earthquake drill para sa tamang pagkilos at pagtugon ng mga kawani sa panahon ng hindi inaasahang pangyayari o kalamidad.
Tinalakay ni OCD-NCR Civil Defense Officer Edna I. Conda ang tungkol sa pagiging mahina ng Pilipinas sa lahat ng uri ng kalamidad dahil sa geographic location nito. Ibinahagi rin niya ang mga posibleng mangyayari at ang dapat gawin sa panahon ng lindol sa kalakhang Maynila. Hinati rin ang mga kawani sa tatlong pangkat at itinalaga sa partikular na mga dibisyon upang pag-aralan at lumikha ng isang emergency plan.
Ang kalahating-araw na seminar ay proyekto ng NWRB Gender and Development Program para sa taong 2013 na nagbibigay ng patas na pagkakataon para sa ikauunlad ng mga lalaki at babaeng kawani ng ahensya.
The post TAMANG PAGKILOS AT PAGTUGON NG MGA KAWANI NG NWRB appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment