Minsan, ang pinakamalaking putahe sa Noche Buena ay ang iyong nakaiiritang mga kamag-anak. Mula sa maliliit na iritasyon tulad ng paghihilik at pagtatanong nang personal hanggang sa masisibang magpipinsan at mga pakialamerang biyenan, alam natin na sa okasyong ito ay masusubukan ang iyong pasensiya. Haaay… parang madramang teleserye. Narito ang ilang taktika upang matiyak na magiging masaya ang pagdiriwang ng Pasko:
- Tawagan mo ang iyong best friend. – Kapag nagsimula na ang iyong mother-in-law sa kanyang pakikialam sa buhay mo o hindi na siya makontrol sa paghalukay ng mga lumang issue ninyo at kapag malapit ka nang sumabog, damputin mo ang iyong cellphone, magtungo sa iyong silid o sa kusina at tawagan mo ang iyong BFF (best friend forever). Isang paraan ito upang matakasan mo ang iyong pakialamerang mother-in-law. Malamang matulungan ka pang iyong BFF na makakita ng katatawanan sa situwasyong iyong kinasasadlakan.
- Lumabas ka ng bahay. – Ikaw na ang mag-volunteer na bumili ng nalimutang ingredient sa isang recipe o ipasyal mo ang mga bata sa medyo malayong lugar (kung available sa inyo ang isang plaza or playground; at kung parehong wala, ipabilang mo sa kanila ang bawat pulang kotse o mag-unahan sila sa paghahanap ng kung anu-anong bagay na iyong ipahahanap). Ang ordinaryong gawaing pambahay, halimbawa ang paglalabas ng basura o pagpunta sa tindahan, ay isang mainam na paraan upang matakasan ang mga taong ayaw mong makasama sa isang situwasyon sa bahay.
- Magpatugtog ng paborito mong awitin. – Kung naging involved ka naman sa isang confrontation, sa halip na tipunin ang galit at ihanda ang iyong speech bilang pagganti, isalang mo sa CD player ang iyong paboritong awitin o musika. Lagyan mo ang iyong iPod o cellphone ng ilang mabibilis na musika at isayaw na lamang ang iyong sama ng loob habang gumagawa ka ng salad o nagbibiyak ng buko o nag-iihaw ng isda at tahong.
Marami pa sa susunod.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment