Thursday, December 5, 2013

Boracay, Palawan balik-negosyo na

Masayang inihayag noong Martes ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas na nagbalik na ang dating sigla ng turismo sa Palawan at Boracay ilang linggo matapos ang pananalasa ng super bagyong ‘Yolanda’ sa ilang bahagi ng Visayas, kabilang ang Palawan at Aklan.



“Bilib ako sa ipinakitang tatag ng loob ng mga taga-Palawan at Boracay, gayundin sa pagsisikap nilang ibangon muli ang kanilang mga komunidad,” ani Roxas.


“Natutuwa ako sa mabilis na pagbangon ng industriya ng turismo sa ating mga probinsiya. Definitely, the tourism industry in Palawan and Boracay is back in business,” aniya.


Kasama sina Social Welfare Secretary Dinky Soliman at Defense Secretary Voltaire Gazmin, nakipagpulong si Roxas sa ilang lokal na opisyal sa Palawan at Aklan upang kumustahin ang isinasagawang relief operations at rehabilitasyon sa mga lugar na sinalanta ng Yolanda.


“The leading resort hotspots in the country have largely escaped the brunt of Yolanda. We have met with tourism stakeholders, and concerned government officials in Palawan and Boracay who have informed us that they are back in business despite some minor hitches,” ani Roxas.


“Katulong ninyo ako sa paghikayat sa ating mga turista, sa loob at labas ng bansa, na bisitahing muli ang magagandang lugar-bakasyunan sa ating mga probinsiya,” sinabi ni Roxas sa mga lokal na opisyal ng dalawang lalawigan.


Kasabay nito, pinayuhan ng kalihim ang mga lokal na pamahalaan na suriin at i-update ang kani-kanilang Comprehensive Land Use Plans (CLUPs) at Comprehensive Development Plans (CDPs) bilang bahagi ng pagsisikap para sa pagtatayo ng mas ligtas na mga komunidad, iginiit na ituring nang “new normal” ang matitinding epekto ng climate change. – Czarina Nicole O. Ong


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Boracay, Palawan balik-negosyo na


No comments:

Post a Comment