CONGRATS to the cast and production people of ’10,000 Hours’ for bagging almost all the awards on the recently concluded MMFF 2013 Awards Night! Deserving talaga kayo kasi napakalinis at napakaganda ng pagkagawa ng pelikula! Sa pagkakataong ito matutupad na rin ang pinagdarasal ni Direk Joyce Bernal (best director) na makahahabol na sa takilya ang pelikula nila dahil curious na ang mga tao ngayong panoorin ito sa rami ng awards na hinakot nito including the best picture award, Gatpuno Antonio Villegas Cultural award at FPJ Memorial award.
Technically speaking, masasabing perfect ang pelikula kasi nakuha nito ang best editing, best visual effects, best sound recording at best musical score. Maganda rin ang istorya nito kaya nanalo ito ng best story at best screenplay.
At siyempre pa, dekalibre ang acting ng cast nito na pinangungunahan ni Robin Padilla (best actor) at Pen Medina (best supporting actor).
Congrats to Robin dahil alam namin na binuhos na niya ang lahat ng kakayahan niya rito sa ’10,000 Hours’ para maibalik ang action genre sa Pelikulang Pilipino. Congrats din kay Boy2 Quizon bilang isa sa producers ng movie.
Dapat lang na tangkilikin ng mga Pinoy ang ganitong quality made films para lalong maging masaya at matagumpay ang industriya.
***
CONGRATS to ‘My Little Bossings’ for being the topgrosser sa MMFF 2013!
Obvious na ang naging selling point ng movie ay ang dalawang bata na nasa title role na sina Bimby at Ryzza na nanalo ng best child performer! Aba, lume-level din si Aiza Seguerra na nanalo naman bilang best supporting actress sa kanyang madamdaming pagganap bilang tomboy na anak ni Vic Sotto at ina naman ni Ryzza.
Ang ‘My Little Bossings’ din ang nakakuha ng 3rd best picture award at ng best theme song.
Si Paolo Ballesteros na talaga ang pumalit kay Wally Bayola bilang sidekick o kabatuhan ni Jose Manalo sa pelikula.
Mukhang hindi na yata makababalik pa si Wally kasi maski sa Eat Bulaga ay sina Jose at Paolo na ang nagiging tandem.
***
NANGHIHINAYANG naman kami at hindi man lang nabigyan ng major awards ang Boy Golden ni Gov. ER Ejercito kahit pa “A” ang nakuha nitong rating kaya may 100% rebate sila sa taxes. Halata namang ginastusan at pulido rin ang pagkagawa ng pelikula na dinirehe pa ni Direk Chito Rono.
For the third time ay naging mailap kay Gov. ER ang festival best actor award. Wala ngang entry si Dingdong Dantes this year pero nasungkit naman ni Binoe ang best actor! Anyway, hindi naman ang tipo ni Gov. ER ang basta-basta naggi-give up. Malakas ang fighting spirit niya kaya makaaasa tayo na makikita na naman natin ang grupo nila sa isa na namang makabuluhang proyekto next year!
***
NALOKA naman kami at nanalo ng best actress si Maricel Soriano para sa Girl, Boy, Bakla, Tomboy samantalang obvious na supporting lang ang role niya sa pelikula. Sigurado kami maski si Marya ay nagulat sa award na nakuha niya.
Para sa amin ang dapat na ginawaran ng best actress award ay si Eugene Domingo para sa dual role niya sa KimiDora, The Prequel. Ito pa ang isa sa dahilan kung bakit dapat ibalik na sa movie industry ang pamamahala ng MMFF kasi wala namang alam talaga ang MMDA sa pagpapatakbo ng showbiz!
***
GUSTO naman naming batiin si MTRCB Chairman Toto Villareal for a job well done sa kanyang first year sa pwesto.
Napanatili niya ang kanyang pangako sa industriya na hindi siya for censorship but for classification. Nandiyan ang SPG (Strong Parental Guidance) rating sa mga palabas na hindi angkop sa mga bata o menor de edad. At kung may natatanggap siyang reklamo sa viewers ay inaayos niya kaagad ito at pinapatawag ang mga taong sangkot.
Nandiyan na ang punahin niya dati ang green jokes or comedy bar humor na hindi pwede sa mga pang tanghaling programa na pinapanood ng karamihan.
Ina-uphold niya lagi ang karapatan ng mga bata, religious at gender sensitivity rights. At dahil d’yan, mabuhay ka MTRCB Chairman Toto Villareal and more power to you!
The post Technically perfect! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment