NAPANATILI ni Lovi Poe ang taas ng ratings ng Akin Pa Rin Ang Bukas hanggang sa pagtatapos ng soap ngayong Friday night.
Namayagpag ang Akin Pa Rin Ang Bukas bilang no.1 top rating soap ng GMA 7. Pinataas ng Akin Pa Rin Ang Bukas ang evening primetime block ng Kapuso network.
Kaya tama lang si Lovi na pangalanan ng network bilang Primera Aktresa.
Sa mataas na ratings ng Akin Pa Rin Ang Bukas, napatunayan na unbeatable na ngayon ang tambalang Lovi at Rocco Nacino. Tanggap ang kanilang love team. Feel kasi ng mga manonood na kapag nag-partner sina Lovi at Rocco, ‘di matatawaran ang kanilang makatotohanang acting lalo sa kanilang mga maromansang tagpo. ‘Di mo aakalain o ‘di ka maniniwala na habang ginagawa nina Lovi at Rocco ang Akin Pa Rin Ang Bukas ay wala silang relasyon.
Feel mo kasi ang intensity ng feelings nila kapag may romansang tagpo sila. Kaya naman laging sinasabi ni Rocco na “special girl” sa buhay niya ngayon si Lovi.
SAMANTALA, dapat ay may extention ang Akin Pa Rin Ang Bukas dahil maraming tagasubaybay ang nabibitin pa rin sa istorya. Bakit naman matatapos agad? Eh, sa totoo lang ay tumagal na ng 16 weeks ang soap na idinirihe ni Laurice Guillen. Gusto ng management ng Kapuso network na pagbigyan ang mga tagasubaybay ng Akin Pa Rin Ang Bukas na humihingi ng extention. Kaya lang, naka-block na ang mga schedule ng ibang artista, bukod kina Lovi Poe at Rocco Nacino, para sa kanilang Christmas vacation.
Gusto nina Lovi’t Rocco na ma-extend ang show pero ‘di na puwede ang ibang mga kasamahan.
@@@
Heart Evangelista at Sid Lucero: unti-unti nang tinatablan
SA Manila na ngayon ang settings ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? Kita na rito ang kasalbahihan ni Katrina Halili. Bale siya ang no. 1 kontrabida ng soap. Ipinakita ni Katrina ang kanyang kasakiman sa istorya.
Pilit niyang pinasusunod ang anomang naisin sa retarded na role ni Dominic Rocco. Pinaghiwalay niya sina Dominic at Heart Evangelista sa istorya.
Dahil sa twist ng kuwento ng Magkano Ba Ang Pag-ibig? dito na naramdaman ng mga televiewer na talagang mag-partner sa soap sina Heart at Sid. Kita mo ang warmth ng kanilang characters sa soap. Nakadadala rin ang kanilang mga titigan, yakapan at halikan sa istorya.
@@@
Salubungin ang Bagong Taon kasama ang milyonaryong pamilya ngayong Linggo
NGAYONG Linggo sa Pepito Manaloto, ang Tunay na Kuwento, papalapit na ang bagong taon at si Patrick (John Feir), may importanteng sasalubungin… ang baby nila ni Janice.
Kasama ni Patrick ang best friend niyang si Pepito (Michael V.) sa paghihintay sa pagdating ng kanyang panganay. At sa kanilang kuwentuhan, pag-uusapan nila ang pagiging magulang nina Pepito at Elsa (Manilyn Reynes)…pati na rin si Tatay Benny. Magbabalik-tanaw rin sila sa mga nakatutuwa at nakatatawang moment ni Robert (Arthur Solinap) at ng mga kasambahay na sina Maria (Janna Dominguez) Baby (Mosang); ang mga raket ni Tommy (Ronnie Henares); ang mga katuwaan ng mag-inang Mimi (Nova Villa) at Deedee (Jessa Zaragoza); pati na rin ang love story nina Patrick at Janice. Saan kaya aabutin ang kanilang kuwentuhan?
Samahan ang pamilyang milyonaryo na salubungin ang bagong taon ngayong Linggo sa Pepito Manaloto, ang Tunay na Kuwento, pagkatapos ng Kap’s Amazing Stories sa GMA 7.
The post Lovi Poe, may K talaga! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment