Saturday, December 28, 2013

PAGIGING MATIISIN

“Success in life is a matter not so much of talent or opportunity as of Concentration and perseverance.”


Kung ang isang tao ay matiisin at iniisip niyang mabuti ang kanyang ginagawa o gagawin ay tiyak na magtatagumpay siya. Hindi hadlang ang katandaan o hindi siya nakatapos.



Natatandaan ko ang sinabi ni Vincente Yanuaria, ng aking kapwa supervisor. Ito ang kanyang konklusyon: “Mabuti pa na hindi gaanong marunong sa klase ang kukunin kong editor ng school paper. Ang kailangang katangian ay masipag at matiisin siya.”


Narito ang istorya ng huling yugto ng buhay ni George Burns. Iyong kanyang best friend ay namatay, si Jack Benny. Nakatakda si Jack na maging kapareha ni Walter Matthau sa pelikulang The Sunshine Boys.


Nagpresinta si George sa producer ng pelikula na ibigay sa kanya ang papel ng namatay bilang isang ama sa pelikula. Bantulot ang direktor. Iyong edad ni George na walumpung taon ay mahirap ang pagkatiwalaan ng maselang papel. Pagkatapos ng isang linggo na mabuo ang cast o mga taong lalabas sa pelikula ay nagpatawag ang direktor ng meeting.


Huling-huling meeting dumating si George. Naisip ng lahat na ang matanda ay natakot at hindi kaya ang kanyang papel bilang number one supporting actor. Hindi niya dala ang kanyang script. Marahil ay malimutin na si George. Nagulat ang lahat. Pagkat naisaulo niya ang kanyang papel. At naisaulo niya ang buong script kasama na ang sasabihin ng buong cast.


Mula noon ay sunod-sunod na ang kanyang mga pelikula. Napanood ko ang Oh, God at pagkagaling-galing gumanap ni George. Nabuhay si George nang matagal at sa edad na malapit nang 100 taon ay malakas pa rin. Ang kanyang sigla at lakas ay nanggagaling sa Poon. Iyan ang kanyang kinakatawan sa tatlong serye.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PAGIGING MATIISIN


No comments:

Post a Comment