Sunday, December 1, 2013

TALAMAK NA PAMBU-BULLY SA MGA MAG-AARAL, DINEDMA

johnny_magalona103 PAGKATAPOS na mailantad ng ating impormante ang anomalyang kinasasangkutan ng isang prinsipal at ang head teacher nito sa Nagpayong High School sa Nagpayong, Pinagbuhatan, Pasig City ay ibinulgar din nito ang talamak na pambu-bully sa mga mag-aaral sa nasabi ring eskuwelahan sa Pasig City.


Basahin natin ang text message ng impormante kaugnay sa talamak na pambu-bully.


Dear, Sir Johnny, mahigpit na ipinatutupad ng DepEd ang batas na Anti-Bullying Act at Child Protection Policy Law subalit sa Nagpayong High School ay talamak ang pambu-bully.

Ang masakit nito ay kinukunsinti umano ng guidance office sa pamumuno ni Coordinator Juvielyn Butlig ang mga batang nambu-bully at wala silang malinaw na ginagawang aksyon dito.


Katulad na lamang ng isang estudyante na nagngangalang Oskie Estorninos, 4th year student, Section Yale.

Ang estudyanteng ito ay ilang beses nang nakulong sa pananaksak at pambubugbog sa kapwa estudyante pero hanggang ngayon ay nandoon pa rin sa Nagpayong High School.


Hindi namin malaman kung ano ang relasyon ng naturang estudyante kay Butlig dahil ipinagtatanggol pa niya ito samantalang sa record ng Guidance logbook mula pa noong isang taon hanggang ngayon ay puno na ang logbook sa rami ng kaso nito gaya ng pananadyak at panununtok.

(ITUTULOY)


PROSTITUSYON, LANTARAN SA UNIVERSE CLUB

Lantaran pa rin ang operasyon ng prostitution sa Universe Girl Club na pag-aari ng isang Japanese na si Kenjie Suzuki sa Harrison St., Pasay City.


Halos nilarga na ng bahay-putahan ang pagpapalabas ng bold shows, barfine at gimmick (quicky-sex) sa mga VIP room.

Ipino-front ni Suzuki sa prostitution den nito ang mag-utol na Hiroshi at Kenjie Akiba.


Malakas ang loob na mag-operate ng prostitution ang nasabing club dahil ipinagmamalaki nila na pinoproteksyunan sila ng pulis na nagngangalang Jigs na nagpapakilalang ‘tong-collector’ daw siya ni NCRPO chief Gen. Marcelo Garbo.


Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com


The post TALAMAK NA PAMBU-BULLY SA MGA MAG-AARAL, DINEDMA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



TALAMAK NA PAMBU-BULLY SA MGA MAG-AARAL, DINEDMA


No comments:

Post a Comment