Sunday, December 1, 2013

MMDA rescue team, pabalik na mula Tacloban

Dumalo sa isang thanksgiving mass sa Sto. Niño Shrine sa Tacloban City, Leyte ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) matapos makibahagi sa tatlong linggong rescue, relief and rehabilitation effort para sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda.”



Todo papuri si Fr. Gani Petilos, Sto. Niño Shrine Parish priest na siyang nanguna sa misa, ang mga tauhan ng MMDA dahil sa kanilang sakripisyo upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyo na tumama sa siyudad noong Nobyembre 8.


Tinawag ni Petilos ang mga kawani ng MMDa bilang mga “tunay na bayani” sa kanilang ipinamalas na propesyunalismo at dedikasyon upang makatulong sa mga naapektuhang residente.


“Habambuhay ko ipagmamalaki mga taga-MMDA, kahit di ko matandaan mga pangalan at anyo niyo. Ang pagtulong sa kapwa ay pagmamahal sa Diyos,” sabi ni Petilos sa kanyang sermon.


Tiniyak naman ni MMDA Chairman Francis Tolentino, na dumalo rin sa misa, na patuloy na tutulong ang ahensiya sa mga residenteng nangangailan.


Aabot sa 304 tauhan ng MMDA ang dumalo sa misa, karamihan sa mga ito ay itinalaga sa Tacloban at karatig lugar nito simula Nobyembre 10 upang tumulong sa pagkukumpuni ng mga lansangan, istraktura at tahanan ng mga nasalanta.


Sinabi ni Tolentino na nakatakdang bumalik sa Maynila ang grupo ngayong Lunes.


“We may be tired and bruised, but we will go home with a smile and satisfaction that we were able to help thousands of typhoon victims, who were the ones who suffered the most and lost almost everything,” ayon sa MMDA chairman. – Anna Liza Villas-Alavaren


.. Continue: Balita.net.ph (source)



MMDA rescue team, pabalik na mula Tacloban


No comments:

Post a Comment