IPASUSURI ng liderato ng Kamara sa House Committee on Labor ang sweldo at oras ng pagtatrabaho ng bus drivers.
Nais ni House Speaker Feliciano Belmonte, na ipasuri kung anong dapat na baguhin sa fixed salary at working hours ng bus drivers.
Banggit pa ni Belmonte na may bus companies at operators ang hindi sumusunod sa pagbibigay ng fixed salary sa drivers at ang mahabang oras na lagpas sa walong oras na pagtatrabaho ang nagiging dahilan kung bakit nalalagay sa delikadong sitwasyon ang buhay ng mga pasahero.
Ang pagsunod aniya sa speed limit na isinusulong na ipatupad sa mga malalaking lansangan ay “common sense” na dapat laging isaisip ng responsableng driver.
Nitong linggo lamang ay isang aksidente sa Skyway, kung saan nasangkot ang Don Mariano Transit na batay sa CCTV at kuhang larawan ay pudpod na ang gulong at lumalabas na lagpas na sa walong oras ang pagbibiyahe ng driver ng bus.
The post Suweldo at oras ng trabaho ng bus drivers ipinarerepaso na appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment