DAPAT panagutin si Pangulong Noynoy Aquino at iba pang opisyal bunsod ng naganap na oil spill sa Estancia Iloilo.
Ito ang hiling ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) sa Department of Justice (DoJ) para imbestigahan at kasuhan si PNoy, Energy Secretary Jericho Petilla, Environment and Natural Resources Sec. Ramon Jesus Paje, Napocor President Gladys Sta. Rita at iba pang opisyal ng Napocor.
Sa demand letter kay DoJ Secretary Leila de Lima, iginiit ni Pamalakaya National Vice Chairman Peter Gonzales na pinalubha ng oil spill mula sa sumadsad na barge ng National Power Corporation (Napocor) ang sitwasyon ng mga mangingisdang sinalanta rin ng bagyong Yolanda noong Nobyembre 8.
Katwiran pa ng Pamalakaya, labag sa karapatan sa balanced ecology ang nakadidismayang pagtugon ng pamahalaan sa oil spill.
Partikular na tinukoy ng grupo ang pagkabigo ng gobyernong malinis ang insidente hanggang noong December 6 deadline.
The post PNoy, iba pang opisyal pinakakasuhan sa oil spill appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment