SAN FERNANDO CITY, La Union – Inihayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na makararanas ng apat na oras na brownout ang 17 bayan sa Cagayan ngayong Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.
Apektado ng brownout ang Cagelco II franchise area, kabilang ang Lallo, Gattarran, Aparri, Lasam, Allacapan, Camalaniugan, Buguey, Sta. Teresita, Gonzaga, Sta. Ana, Abulug, Pamplona, Ballesteros, Sanchez Mira, Claveria, Sto. Nino at Sta. Praxedes.
Apektado maging ang mga bayan ng Pudtol, Luna at Flora sa Apayao, sa gagawing re-arrangement ng tapping point sa Magapit-Lucban 69kV line segment sa Magapit substation. – Liezle Basa Inigo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment