Monday, December 2, 2013

Supplemental budget, calamity fund, aaprubahan ngayong linggo

Ni Charissa M. Luci


Aaprubahan ng Kongreso ngayong linggo ang panukalang P14.6-bilyon supplemental budget gayundin ang resolusyong nagpapalawig sa validity ng calamity fund, quick response fund, savings, at ang hindi pa naipalalabas na bahagi ng 2013 budget upang masuportahan ang pangangailangan ng gobyerno sa rehabilitasyon at rekonstruksiyon.



Tiniyak nina House Speaker Feliciano Belmonte Jr. at Davao City Rep. Isidro Ungab, chairman ng House Committee on Appropriations, na maipapasa ang dalawang panukala bago sumapit o sa mismong Miyerkules.


“By Wednesday, we could pass the supplemental budget on third and final reading in view of the presidential certification,” sinabi ni Belmonte sa isang panayam.


Sinabi ni Ungab na wala na silang panahon para ipagpatumpik-tumpik pa ang pag-apruba sa House Bill (HB) No. 3423 at sa Joint Resolution 7 dahil ang pagpapasa sa mga ito ay sinertipikahang urgent ng Punong Ehekutibo noong gabi ng Nobyembre 27, ilang oras matapos ang House plenary session.


Dahil sa matinding pagtutok ng mga mambabatas na Makabayan laban sa pagpapasa ng supplemental budget, na ayon sa kanila ay maaaring maging presidential pork, inaasahan na ni Belmonte ang posibilidad na ma-delay ang pag-apruba sa HB 3423.


“The passage could reach next week though,” aniya, kahit pa patuloy niyang idinedepensa ang supplemental budget na magpopondo sa pagkukumpuni at rehabilitasyon sa mga lugar sa bansa na naapektuhan ng kalamidad.


“Lump sums are not prohibited by the Constitution as long as the purpose is clear and defined by law. Calamity fund is well-defined as to purpose and bill provides a definite amount,” paliwanag ni Belmonte.


Ang P14.6-bilyon na supplemental budget ay kukuhanin mula sa P13.5-bilyong balanse ng 2013 Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel, na noong nakaraang buwan ay idineklara ng Korte Suprema na labag sa batas.


Sinabi naman ni Ungab na inaasahan nilang maipapasa rin ngayong linggo ang Joint Resolution 7 na magpapalawig sa validity ng calamity at quick response funds, na pakikinabangan ng mga lugar na sinalanta ng mga bagyong ‘Labuyo’, ‘Odette’, ‘Pablo’, ‘Sendong’, ‘Santi’, ‘Vinta’ at Yolanda, ng 23-araw na bakbakan sa Zamboanga City, at ng 7.2 magnitude na lindol sa Cebu at Bohol.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Supplemental budget, calamity fund, aaprubahan ngayong linggo


No comments:

Post a Comment