Monday, December 2, 2013

IED narekober sa shopping center sa Basilan

NAREKOBER ang isang improvised explosive device (IED) o bomba sa loob ng isang shopping center kaninang tanghali, Disyembre 2, sa Isabela City, Basilan.


Base sa ulat ng Isabela City police station, nakalagay ang IED sa loob ng isang karton ng gatas na iniwan mismo malapit sa isa sa mga counter ng New Mabuhay Trading Basilan Shopping Center.


Agad na ipinagbigay-alam ng naturang shopping center ang impormasyon kaya napigilan ang posibleng pagsabog ng bomba.


Rumesponde naman sa lugar ang mga pulis at mga sundalo kasama ang mga kasapi ng Explosive Ordnance Division (EOD) ng Regional Public Safety Battalion (RPSB-9) at kaagad na-disrupt ang bomba.


Nabatid na isang cellphone ang ginamit na detonator ng natagpuang bomba.


Kasalukuyan pang inaalam ng awtoridad kung may nakakita sa taong nag-iwan sa naturang karton.


The post IED narekober sa shopping center sa Basilan appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



IED narekober sa shopping center sa Basilan


No comments:

Post a Comment