Sunday, December 1, 2013

Magaling umarte si Bimby –Vic Sotto


Ni Reggee Bonoan


HINDI na mabilang kung pang-ilan na si Vic Sotto sa nagsabing good mother si Kris Aquino sa dalawang anak niya na sina Josh at Bimby.


Sa grand presscon ng My Little Bossings, sinabi ni Vic na bilib siya sa pagiging ideal mom ng Queen of All Media.



“She’s a very good mother. Some people would say that she has a tendency to spoil her children, pero nakita ko kung gaano niya kamahal ang mga anak niya, kung gaano kaganda ang pagpapalaki niya sa mga bata. Makikita mo naman sa produkto kung gaano kabait ang mga anak niya,” sabi ng TV host/actor.


Inamin ni Bossing Vic na stage mom talaga si Kris.


“It’s very evident, mula sa suot hanggang sa kung ano ang kakainin and it just shows how much she loves her children. How good a mother she is. Nakikita ko naman, eh. Sa pagpapalaki niya kay Josh, ke Bimby. Mababait na bata. Masunurin na mga bata. Mapagmahal na mga bata,” paglalarawan pa ng komedyante.


Hindi ba nakakairita ang pagiging stage mom ni Kris?


“Hindi naman. It’s nice watching her. Kasi makikita mo kung gaano niya kamahal ang mga anak niya. Kung gaano ka-valuable ang mga anak niya. Kung paano niya pinapalaki ang mga anak niya. Kaya nga she sets a very good example to mothers,” katwiran ni Vic.


Naikuwento rin ni Vic ang mga unang araw ni Bimby sa shooting ng My Little Bossings.


“Nu’ng first few shooting days, parang hindi pa niya naiintindihan kung ano ‘yung nangyayari sa paligid niya, eh. But after a while, he got comfortable with Ryzza (Mae Dizon), with me, with the crew, with the director, with everyone.


“Bigla siya nag-fit-in at doon na unti-unting lumabas ang talent niya na I’m sure, namana niya sa nanay. Madaldal din si Bimby but he is a good kid, a good boy, masunurin,” kuwento ni Vic.


“At the start, I made a point that I don’t get close to him. Na gusto ko, ayokong maging komportable sa kanya, eh, at ayokong maging komportable siya sa akin because of the role na marami kaming issues sa isa’t isa. So, kapag naging komportable siya sa akin, baka hindi lumabas ‘yung buwisit namin sa isa’t isa.


“But of course, towards the end we got to be close, together with Ryzza. Marami kasing istoryang umiikot dito sa pelikulang ‘to and one of them is ‘yung relatonship naming dalawa.


“Ang boss ko talaga (sa istorya ng movie), si Kris. And dahil sa mga issues ko sa buhay, eh, inalagaan ko si Bimby na from day one na nagtatrabaho ako doon sa Ma’m Kris ko, eh, hindi na kami magkasundo.


“May nagtanong nga sa akin kanina kung paano ko iri-rate si Bimby as an actor, and ang sagot ko, considering na this is his first movie, sanay siya sa mga commercial na paisa-isang shot, paisa-isang dialogue. But for him to carry the character from action hanggang sa pag-cut ng director, eh, I’m proud to say na I can give him a very, very high passing grade. At kapag napanood ninyo ang pelikula, magaling palang umarte ang batang ‘to. He’s very effective,” kuwento pa ni Vic.


Bukod kina Vic, Bimby at Kris ay kasama rin sina Aiza Seguerra, Neil Coleta, Jaclyn Jose, Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Barbie Forteza, at Neil Sese sa My Little Bossings na mapapanood na simula sa December 25, sa direksyon ni Marlon Rivera.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Magaling umarte si Bimby –Vic Sotto


No comments:

Post a Comment