Wednesday, December 4, 2013

SEA Games: Chess, makapag-aambag ng gold

Posibleng madagdagan ang tinatarget ng Pilipinas na 30 hanggang 40 gintong medalya sa nalalapit na 27th Southeast Asian Games mula sa koponan ng chess.


Ito ay matapos na paghandaan ng pambansang koponan ang isang klase ng laro na ASEAN chess, isang kategorya na isinali ng host na Myanmar kung saan sila lamang ang nakaaalam ng mga galaw ng piyesa.



“We will now compete in 12 events out of the 18 at stake. Dati ay pito lang ang sasalihan natin pero nagtulong-tulong ang team para mapag-aralan ang mga moves ng ASEAN chess at nagkakaisa sila na kaya nating manalo dahil mabilis nilang natutunan ang laro,” sinabi ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director Grandmaster Jason Gonzales.


Kabuuang 18 ginto ang paglalabanan sa chess sa kada dalawang taong torneo kung saan lima rito ay nakataya sa kategorya na ASEAN chess.


Sasalihan din ang Pilipinas sa transfer chess, blitz, random at rapid. Tanging ang hindi sasalihan ng Pilipinas ay ang International Chess na kilala lamang sa Myanmar.


Ipinaliwanag ni Gonzales na nasa ikalawang linggo na ang walo kataong koponan sa pagsasanay sa kategorya sa isinagawa nilang chess camp sa Tagaytay City.


Nakatakdang umalis ang koponan sa Disyembre 10 habang ang torneo ay gagawin simula sa Disyembre 12 hanggang 21.


Ang koponan ay binubuo nina GMs Darwin Laylo, Mark Paragua, John Paul Gomez, Oliver Barbosa, Eugene Torre at Rogelio Antonio Jr. sa kalalakihan at sina Janelle Mae Frayna at Catherine Perena sa kababaihan.


Matatandaan na nanalo ang Pilipinas ng isang ginto, apat na pilak at tatlong tanso noong 2011 SEA Games sa Palembang, Indonesia kung saan si GM Wesley So ang naghatid ng ginto sa Individual Blitz chess. Gayunman, hindi nakasama si So sa koponan dahil abala ito sa kanyang pag-aaral sa Canada. – Angie Oredo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



SEA Games: Chess, makapag-aambag ng gold


No comments:

Post a Comment