NAGING panauhin ng inyong lingkod si Madame Susie Bugante, vice president ng SSS Media Affairs Department sa programang “Health & Travel @ Serbisyo Publiko” sa DWBL 1242 at DWSS 1494kHz.
Pinayuhan ng Social Security System (SSS) ang mga kaanib na nakapagbayad na ng kanilang advance premiums, “rebyuhin at i-update ang kanilang mga advance payment na may kaugnayan sa bagong contribution rate and maximum monthly salary credit (MSC) na magiging epektibo sa darating na Enero 2014.”
Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Emilio S. de Quiros, Jr. na ang individually-paying members tulad ng self-employed, voluntary and OFWs na nagbayad na ng advance contribution base sa minimum MSC para sa buwan ng Enero 2014, hanggang sa patuloy pang mga taon ay kailangang ayusin ang mga pagkakaiba na dapat umayon ang resulta mula sa bagong prescribed minimum na halaga ng kontribusyon.
Sa ilalim ng bagong contribution schedule, ang nararapat na monthly contribution ay P110.00 para sa minimum MSC na nagkakahalaga ng P1,000, at P550.00 para sa minimum MSC na P5,000 para sa mga OFW, at P1,760.00 para sa maximum MSC sa halagang P16,000.00.
“Ang pagkakaiba sa pagitan ng kasalukuyang bagong halaga ng contribution ay magiging underpayment sa panig ng kaanib na pagbabayad ng advance. Bilang pagpapahalaga sa binagong contribution schedule, ang self-emlpoyed o ang voluntary member na nagbayad ng minimum premium sa halagang P104.00 in advance para sa Enero ng susunod na taon ay awtomatikong magkakaroon ng under-payment na halagang P6.00 samantalang ang prescribed minimum contribution na P520 ng isang OFW ay magkukulang naman ng halagang P30.00,” paliwanag ni President De Quiros.
The post REBYUHIN AT I-UPDATE ANG SSS ADVANCE MONTHLY CONTRIBUTION appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment