Wednesday, December 4, 2013

Negosyante, patay sa holdaper

VICTORIA, Tarlac – Hinoldap at pinagbabaril ng riding-in-tandem ang isang magkapatid na negosyante, na ikinamatay ng isa sa mga ito, habang isa pa ang nasugatan sa Caburnay Street, sa Barangay San Fernando, Victoria, Tarlac, kamakailan.


Kinilala ni PO2 Zosimo Gacutan ang mga biktimang sina Jose Gamis, 38, may-ari ng RJM Mini Mart Grocery; at Nestor Gamis, nasawi, kapwa ng Calapungan Street, Bgy. San Fernando, Victoria. Nasugatan sa holdapan si Randy Ganitnit, 21, helper, ng Bgy. San Nicolas, Victoria, Tarlac.



Natangay ng mga suspek ang plastic bag na naglalaman ng mahigit P500,000, isang iPhone 4S, isang Samsung Galaxy Note 2, isa pang cell phone, wallet na may iba’t ibang credit card at ATM card at mahahalagang dokumento. – Leandro Alborote


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Negosyante, patay sa holdaper


No comments:

Post a Comment