“Sin is the main reason why we do not get the best out of the heavenly telephone. The blood of Jesus, His Son cleanses us from all sins. If we confess our sins. He is faithful and will forgive our sins and cleanse us from all unrighteousness.” – Anonymous
Sagabal sa ating pakikipagusap sa Diyos ay ang ating mga kasalanan. Hinihintay Niya tayong humingi ng tawad at huwag nang magkasala pa. Kaysarap tawagan ang Panginoon. Siya ay nakahanda lagi. Nakikinig Siya kahit na anong tagal ng ating pakikipag-usap sa Kanya. Narito ang istorya ng magkaibigan na nag-kalayo nang magka-asawa sila pareho. Naunang mag-asawa si Diego, sumunod ay si Crispin. Madalang ang kanilang pagkikita pagkat kapwa sila abala sa pagtataguyod ng kani-kanilang pamilya. Nagkakausap sila kapag nagbabatian kung may kaarawan ang isa’t-isa.
Yumaman si Crispin, ang naiwan sa Maynila. Lumago ang kanyang negosyo. Lumago rin ang kanyang mga bisyo. Iyan ang dahilan kung bakit hindi naging maligaya ang kanyang pamilya. Mula nang mag-alaga ng batang-batang chick si Crispin ay
nagulo na ang kanyang pamilya. Hindi na niya madisiplina ang kanyang mga anak. Masama lagi ang tingin sa kanya ng kanyang tatlong dalaga. Hindi na rin nagpapakalong ang bunso, si Joel, anim na taong gulang. Malayo ang agwat ng bunso at ang sinundang kapatid.
Nang ma-stroke si Crispin ay pinatawagan niya si Diego sa long distance. Dumating ito at tumuloy sa ospital. Bumatang lalo si Diego gayong magkasing edad lang sila. Maligaya ang pamilya ni Diego sa probinsiya. Halatang-halata na nasa kanyang puso ang Panginoon. Ang pagtawag ni Diego sa Poon ay oras-oras. Mapayapa ang takbo ng buhay ni Diego. Hindi pa huli ang lahat upang mabago ang takbo ng buhay ni Crispin.
Inialis na niya ang pagiging chickboy gayong malalaki na ang kanyang mga anak. Iyong bara, kanyang mga sala ay aalisin niya. Sa palagay ni Crispin ay maayos na ang kanyang hotline sa Panginoon pagkatapos niyang mangumpisal.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment